Occidental Mindoro niyanig ng magnitude 4.6 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang lalawigan ng Occidental Mindoro.
Naitala ng Phivolcs ang epicenter ng lindol sa layong 7 kilometers southwest ng Abra de Ilog, 3:05 ng hapon ng Huwebes, Sept. 26.
May lalim na 50 kilometers ang lindol at tecotnic ang origin.
Naitala ang Intensity II sa Puerto Galera, Oriental Mindoro.
Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks. (DDC)