Senatorial bets ng administrasyon inanunsyo na ni Pangulong Marcos

Senatorial bets ng administrasyon inanunsyo na ni Pangulong Marcos

Ilang araw bago ang pagsisimula ng filing ng Certificate of Candidacy (COC), inanunsyo na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang bubuo sa senatorial slate ng administrasyon.

Sa Oct. 1, 2024 pormal na magsisimula ang paghahain ng COC para sa mga kakandidato sa 2025 National and Local Elections.

Ang “Magic 12” senatorial bets ng administrasyon ay bubuuin ng mga sumusunond:

DILG Secretary Benhur Abalos
Makati Mayor Abby Binay
Senator Pia Cayetano
Senator Imee Marcos
Senator Francis Tolentino
Former Senator Manny Pacquiao
Senator Lito Lapid
Senator Bong Revilla
Congressman Erwin Tulfo
Congresswoman Camille Villar
Former Senator Ping Lacson
Former Senator Tito Sotto

Ginawa ng pangulo ang annunsyo sa idinaos na ‘Alyansa Para sa Bagong Pilipinas’ Convention 2024 sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.

Ang ‘Alyansa’ ay binubuo ng limang political parties na kinabibilangan ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD), Nationalist People’s Coalition (NPC), Nacionalista Party (NP) at National Unity Party (NUP). (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *