3 Critically Endangered na ibong “Kulasisi” pinakawalan sa Cotabato

3 Critically Endangered na ibong “Kulasisi” pinakawalan sa Cotabato

Tatlong Critically Endangered na ibong “Kulasisi” o Philippine Hanging parrots ang naibalik na sa kanilang natural habitat.

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), noong September 24, isang concerned citizen ang nagdala sa mga ibon sa mga otoridad.

Nabatid na ang Philippine Hanging parrots ay hinuhuli at ibinebenta sa halagang P1,500.

Sa assessment na ginawa ng Wildlife Resource and Conservation (WRC) Unit Team ng CENRO Matalam sa Cotabato, pawang maayos naman ang kondisyon ng mga ibon kaya agad itong ibinalik sa kanilang natural habitat.

Ayon sa DENR Region 12 ang pagbebenta ng anumang wildlife species ay paglabag sa Republic Act 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act at may katapat na parusa na hanggang 4 na taong pagkakakulong at multa na hanggang P300,000.

Ang Philippine hanging parrot ang pinakamaliit na parrot species sa Pilipinas na may sukat lamang na 14 centimeters na haba. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *