SPD hindi masasangkot sa POGO
Naninindigan ang Southern Police District (SPD) na hindi masasangkot ang kanyang mga tauhan sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).
“We recognize the importance of maintaining the integrity and trust of our institution, and we will not tolerate any actions that undermine this commitment.”
Binabalaan ng SPD ang mga tauhan nito na mapaparusahan sa ngalan ng batas ang mga mapapatunayang sangkot dito.
“We are dedicated to upholding the principles of justice and accountability within our ranks.”
Nananatiling matatag ang PNP sa kanyang misyon na magserbisyo at protektahan ang mamamayang Pilipino.
Hinihikayat ng SPD ang publiko na ireporr ang anumang kahina-hinalang mga aktibidad o paglabag at magkaisa tayong manindigan sa alituntunin ng batas at siguruhing ligtas at maayod ang kapaligiran para sa lahat. (Bhelle Gamboa)