Disadvantaged workers at TUPAD orientation sa Las Piñas, suportado ni VM Aguilar

Disadvantaged workers at TUPAD orientation sa Las Piñas, suportado ni VM Aguilar

Suportado ni Las Piñas City Vice Mayor April Aguilar ang mga disadvantaged workers sa lungsod matapos pangunahan ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) orientation na ginanap sa City Hall Multipurpose Building.

Daan-daang displaced at disadvantaged workers ang nagtipon-tipon upang pakinabangan ang programa.

Ang kaganapan ay pinangasiwaan ng Public Employment Service Office (PESO) na layuning magbigay ng pansamantalang oportunidad na empleyo o trabaho sa mga nangangailangan sa komunidad.

Inihayag ng bise alkalde ang patuloy nitong suporta sa mga programang magtataguyod sa maayos na antas ng kabhhayan ng mga residente ng Las Piñas.

Ang inisyatiba sa TUPAD sa kolaborasyon ng Department of Labor and Employment (DOLE) ay makatutulong sa mga benepisyaryo na makakuha ng pansamantalang trabaho upang magkaroon ng mapagkukunan ng pang-araw araw na gastusin habang nakakatulong sa mga proyekto ng komunidad.

Bukod dito malaking tulong ang TUPAD program sa pagpapagaan sa pamumuhay ng pamilyang Las Piñeros na nahihirapan bunsod ng mataas na presyo na ng pangunahing bilihin at iba’t ibang bayarin sa serbisyo. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *