COC ng mga kandidato sa 2025 elections ilalagay sa Comelec website
Makikita sa website ng Commission on Elections (Comelec) ang Certificate of Candidacy (COC) ng mga kakandidato sa 2025 National and Local elections.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, lahat ng COC na iahahain ng mga kandidato mula Oct. 1 hanggang 8 ay ilalagay sa website ng Comelec.
Kasama dito ang mga COC na ihahain para sa national at local positions.
Ipapaskil din sa Comelec website ang mga ihahain na COC para sa BARMM mula Nov. 4 hanggang 9.
Sinabi ni Garcia na hindi lamang isasama sa ipo-post sa website ang mga personal data na hindi naman kailangang isapubliko.
Layunin aniya nito na na malaman ng mga botante ang background ng mga kandidato na kanilang iboboto. (DDC)