P8.7M na illegal na droga nakumpiska sa isang linggong anti-illegal drugs ops ng SPD

P8.7M na illegal na droga nakumpiska sa isang linggong anti-illegal drugs ops ng SPD

Iniulat ni Southern Police District (SPD) District Director BGen Leon Victor Rosete kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director, MGen Jose Melencio Nartatez Jr. ang tagumpay sa isinagawang isang linggong anti-illegal drugs operations ng SPD na nagresulta ng pagkakumpiska ng ₱8,723,679.60 na halaga ng ilegal na droga nitong Setyembre 16-22.

Ayon sa report ,nagkasa ang SPD ng kabuuang 58 police operations sa katimugang bahagi ng Metro Manila kung saan naaresto ang 75 na indibiduwal.

Narekober ng otoridad sa mga operasyon ang 1,282.35 gramo ng shabu at 30.83 gramo ng marijuana.

“This major drug seizure underscores the SPD’s unwavering dedication to removing illegal drugs from our streets. This initiative is part of the Philippine National Police’s ongoing campaign, led by PGEN ROMMEL F MARBIL, Chief PNP, to combat illegal drug activities,” sabi ni BGen Rosete. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *