Critically endangered na uri ng bulaklak namataan sa South Cotabato

Critically endangered na uri ng bulaklak namataan sa South Cotabato

Apat na Rafflesia verrucosa – isang critically endangered na uri ng bulaklak ang namataan kamakailan sa Tupi, South Cotabato.

Nakita ang bulaklak sa isinagawang apat na araw na monitoring activity ng mga tauhan ng Biodiversity Monitoring System (BMS) team ng Protected Area Management Office – Mount Matutum Protected Landscape (PAMO-MMPL) sa Barangay Kablon.

Isang Rafflesia bud ay isang partially opened ang nakita sa Sitio Datal Ngisi ng nasabing barangay.

Dalawang Rafflesia buds pa ang nakita din sa Sitio Glandang.

Ang Rafflesia verrucosa ay kasama sa listahan ng critically endangered species sa ilalim ng DAO 2017-11.

Ayon sa DENR, ang pagkakatuklas sa nasabing rare na uri ng bulaklak ay nagpapakita ng higit na pangangailangan na maprotektahan ang biodiversity ng Mount Matutum. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *