30 manggagawa ng nagsarang Sofitel isinailalim sa business planning and social preparation ng DOLE
Sumailalim sa Integrated Livelihood Program ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang 30 manggagawa na nawalan ng trabaho matapos magsawa ang Sofitel Philippine Plaza Manila.
Sa nasabing programa, ang mga naapektuhang empleyado ng Sofitel ay isinailalim sa business planning and social preparation.
Ayon kay DOLE-NCR Makati & Pasay Field Office (MPFO) OIC-Director II Atty. Gerard Peter C. Mariano, bahagi ito ng pagsuporta ng ahensya sa mga empleyadong nawawalan ng trabaho.
Sa pagsailalim sa nasabing programa, ang mga nawalan ng trabaho ay maihahanda sakaling nais nilang pumasok sa pagnenegosyo. (DDC)