Davao Oriental niyanig ng magnitude 4.5 na lindol
Tumama ang magnitude 4.5 na lindol sa lalawigan ng Davao Oriental.
Naitala ng Phivolcs ang epicenter ng pagyanig sa layong 85 kilometers northeast ng Baganga, 3:39 ng madaling araw ng Martes, Sept. 24.
May lalim na 1 kilometer ang lindol at tectonic ang origin.
Wala namang naitalang intensties bunsod ng nasabing lindol. (DDC)