Mga natitirang Pinoy sa southern Lebanon, ligtas ayon sa DMW
Walang Pinoy na napaulat na nasaktan sa nagpapatuloy na gulo sa pagitan ng Israel at Hezbollah.
Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Sec. Hans Leo Cacdac, mayroon pang natitirang halos 100 Pinoy sa southern Lebanon na malapit sa border ng Israel.
Umabot na sa 430 na Pinoy sa Lebanon ang nag-avail na repatriation.
Ani Cacdac patuloy nilang hinihikayat ang mga Pinoy sa nasabing bansa na lumikas na habang mayroon pang available na commercial flight.
Nananatiling umiiral ang Alert Level 3 sa Lebanon o ang pagpapatupad ng “voluntary repatriation”. (DDC)