PNP puspusan na ang paghahanda para sa 2025 elections

PNP puspusan na ang paghahanda para sa 2025 elections

Puspusan na ang paghahanda ng Philippine National Police (PNP) para sa nalalapit na 2025 National and LOcal Elections (NLE).

Inatasan ni PNP Chief, General Rommel Francisco D. Marbil, ang lahat ng local police units na paigtingin ang kanilang paghahanda para sa eleksyon lalo at nalalapit na ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC).

Binalaan din ni Marbil ang Marbil ang lahat ng mga pulis na huwag magpagamit sa mga pulitiko at tiyakin ang commitment ng PNP sa pagmentina ng peace and order sa kabuuan ng election period.

“We are entering a crucial period as candidates for the 2025 elections begin filing their certificates of candidacy. I am directing all local police units to remain vigilant, perform their duties efficiently under the Quad principle, and ensure public safety. At the same time, I am reminding every officer that political neutrality is a core responsibility. Do not allow yourselves to be influenced or used by politicians,” ayon kay Marbil.

Ani Marbil, sinumang pulis na mapatutunayang nasangkot sa partisan activities o kaya ay gumawa ng aksyon para makompromiso ang integridad ng PNP ay tiyak na mapaparusahan.

Pinaalalahanan din ni Marbil ang mga pulis na tungkulin nilang mapanatili na payapa, maayos at ligtas ang buong proseso ng eleksyon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *