20 million kilograms ng bigas ilang buwan ng naka-tengga sa mga pantalan
Nanawagan si Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. sa Philippine Ports Authority (PPA) na madaliing mailabas ng mga pantalan ang halos isang libong container van na puno ng sako-sakong imported rice.
Ayon sa DA, ilang buwan ng naka-tengga sa mga pantalan sa Maynila ang nasabing mga container vans.
Sa pagtaya ng PPA, mayroong 888 shipping vans na may kargang 20 million kilograms ng bigas ang nakahimpil sa container yards sa Manila ports.
Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago, maaaring sadyang pinatatagal ng consignees ng withdrawal ng nasabing mga kargamento
para mas mapataas ang presyo at mas mahal nilang maibenta ang bigas.
Nagpasalamat naman si Laurel sa aksyon ng PPA sa reklamo ng DA hinggilsa hoarding ng mga imported na bigas.
“We are thankful that the PPA has acted promptly on the information we provided and recognized the potential issue of hoarding of imported rice in Manila ports,” ayon kay Laurel. (DDC)