Sugatang juvenile Philippine Eagle nailigtas sa Bukidnon
Nailigtas ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) katuwang ang mga volunteer ang isang sugatan na juvenile Philippine Eagle.
Sa pagpapatrulya ng mga “Bantay Lasang” volunteer ay nakita ang batang agila sa bahagi ng Brgy. Guinoyuran, Bukidnon.
Agad itong dinala sa veterinary clinic para magamot.
Sumailalim sa operasyon ang agila dahil sa sugat nito sa kaniyang kaliwang pakpak.
Naging matagumpay naman ang operasyon at ngayon ay nagpapagaling na ang agila.
Sa ngayon ay nagsasagawa na ng imbestigasyon ang CENRO Valencia at ang Mount Kalatungan Protected Area Management Office (PAMO) para matukoy kung ano ang dahilan ng pagkasugat ng agila. (DDC)