Nalalabi pang mga Pinoy sa Lebanon hinikayat na lisanin na ang nasabing bansa
Hinikayat ng pamahalaan ang mga natitira pang Pinoy sa Lebanon na lisanin na ang nasabing bansa.
Kasunod ito ng naranasang magkakasunod na pagsabog gabi ng September 17 at 18 na ikinasawi ng 11 katao at ikinasugat ng 2,800 na iba pa.
Ayon sa embahada ng Pilipinas sa Lebanon, ang pagsabog ay nangyari sa southern suburbans ng Beirut, South Lebanon, at Bekaa Valley.
Dahil dito hinimok ng Philippine Embassy ang lahat ng Filipino nationals na ikonsidera ang pag-alis na sa nasabing bansa habang mayroon pang available na mga commercial flights.
Ang mga Pinoy naman na magpapasyang manatili ay pinayuhan na maging maingat.
Ayon sa embahada, dapat tiyaking handa ang lahat ng importanteng dokumento gaya ng passports at iqama.
Dapat ding iwasan muna ang pagtungo sa mga lugar na mayroong demonstrasyon.
Para sa mga nais na mag-avail ng voluntary repatriation, maaaring magparehistro sa link na na https://tinyurl.com/2024Repatriation (DDC)