Barangay tanod arestado matapos mahulihan ng P2.2M na halaga ng droga sa Taguig
Sa kulungan ang kinabagsakan ng isang miyembro ng Barangay Security Force (BSF) makaraang arestuhin ng mga operatiba ng Taguig City Police Station Drug Enforcement Unit matapos makumpiska ang 330 gramo ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng ₱2,244,000, sa gitna ng buy-bust operation sa Barangay New Lower Bicutan sa lungsod kahapon.
Kinilala ang suspek na si alyas Roger, 56-anyos at BSF member.
Ayon sa ulat, nakumpiska ng otoridad mula sa suspek ang hinihinalang ilegal na droga, buy-bust money, weighing scale (timbangan) at handbag.
Dinala ang narekober na ebidensiya sa Southern Police District Forensic Unit (SPDFU) upang isailalim sa laboratory examination.
Sasampahan naman ng kasong paglabag sa Section 5 and 11 Article II of RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) laban sa naarestong suspek sa Taguig City Prosecutor’s Office. (Bhelle Gamboa)