Illegal traders ng Bonsai arestado sa GenSan

Illegal traders ng Bonsai arestado sa GenSan

Nagsagawa ng entrapment operation ang Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) General Santos City at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Sitio Tribal Brgy. Bawing General Santos City laban sa mga ilegal na nagbebenta ng bonsai.

Sa nasabing operasyon, nakumpiska ang walong eight illegally harvested bonsai Molave trees na pawang endangered species na.

Ayon sa mga otoridad, ilang linggong isinailalim sa surveillance ang mga suspek na nagbebenta ng bonsai trees gamit ang social media platforms.

Ang ilan sa mga puno ay pinaniniwalaang ilang dekada na at binunot mula sa kanilang natural habitats na paglabag sa Republic Act 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

Ang mga nakumpiskang bonsai tree ay dinala sa CENRO Gensan para maisailalim sa rehabilitasyon.

Hawak naman ng CIDG ang mga suspek na sasampahan ng karampatang kaso. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *