Broadcast journalist na si Dindo Amparo itinalaga sa Presidential Broadcast Service-Bureau of Broadcast Services
Binigyan ng posisyon ng Malakanyang ang beteranong broadcast journalist na si Fernando “Dindo Amparo” Sanga.
Ito ay bilang Director General ng Presidential Broadcast Service-Bureau of Broadcast Services (PBS-BBS)
Nanumpa na rin sa puwesto si Amparo sa harap ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cesar Chavez.
Kasabay nito, isinagawa na rin ang turnover ceremony ng pamumuno sa ahensya mula kay outgoing Director General Rizal Giovanni Aportadera. (CY)