Full impact ng mas mababang taripa sa bigas mararamdaman sa Enero ayon sa DA
Inaasahang mararamdan ang pagbaba sa presyo ng bigas simula sa Enero 2025.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel, Jr. simula Oktubre ay unti-unti nang bababa ang presyo ng bigas pero ang full impact ng mas mababang taripa ay sa Enero pa mararamdaman ng publiko.
Kamakailan inaprubaan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang Executive Order 62, na nagbababa sa taripa sa bigas patungong 15 percent mula sa dating 35 percent.
Naging epektibo ito noong July 8.
Sa pagtaya ng economic managers, dahil sa tariff reduction bababa ng P5 hanggang P7 ang presyo ng kada kilo ng bigas.
Sa kabila ng nasabing EO ng pangulo hindi agad naramdaman ang pagbaba sa presyo ng bigas dahil marami pang suplay mula sa rice imports.
Tinaasan ksi ng rice traders ang bilang ng inangkat nilang bigas mula December 2023 hanggang May 2024, dahil sa inaasahang epekto ng El NiƱo. (DDC)