DMW nagbabala sa publiko kontra online job scams

DMW nagbabala sa publiko kontra online job scams

Nanawagan ang Department of Migrant Workers (DMW) sa publiko na maging mapanuri laban sa mga pekeng overseas job postings sa mga social media platforms at makaipagtransaksiyon lamang sa mga lisensiyadong recruitment agencies para sa overseas employment.

Ang babalang ito ng DMW ay para protektahan ang Pilipinong naghahanap ng trabaho laban sa mga illegal recruiters at sindikatong nagkalat sa mga social media platforms na sinasabing sangkot sa direct hiring schemes ng walang pag-aapruba ng DMW.

Ang ganitong katiwalian ng mga indibiduwal ay nagpapanggap silang lehitimong recruitment entities sa pamamagitan ng paggamit ng mga pangalan, logo at address ng DMW-licensed agencies upang makapanloko ng mga aplikante.

Hinihikayat ang mga Pinoy job seekers na makipagtransaksiyon lamang sa Philippine-licensed recruitment agencies para maiwasang mabiktima ng online job scams at iba pang katulad na internet-related modus ng ganitong mga illegal recruiters.

Gayundin ang alok na trabaho na nag-oobliga ng maagang pagbabayad ng fees sa pamamagitan ng electronic transfer na solidong indikasyon ng scam.

Dapat na laging beripikahin ng Pinoy overseas job seekers ang pagiging lehitimo ng kanilang napiling recruitment agency at ang aprubadong job orders sa tulong ng DMW website http://(https://dmw.gov.ph/).

Kaagad na ireport ang anumang kahina-hinala o suspected illegal online recruitment activities sa DMW Migrant Workers Protection Bureau (MWPB) sa pamamagitan ng kanilang email address na mwpb@dmw.gov.ph o sa Facebook page na https://www.facebook.com/dmwairtip (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *