P51.5M na halaga na road slope protection project sa Baybay, Leyte natapos na ng DPWH

P51.5M na halaga na road slope protection project sa Baybay, Leyte natapos na ng DPWH

Natapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang konsturksyon ng road slope protection na magbibigay ng dagdag seguridad sa mga motorista sa epekto ng pagbaha at landslides sa Barangay Imelda, Baybay, Leyte.

Ang proyekto ay kinapapalooban ng 92-meter slope protection na may 165 lineal meters ng lined canal at 180-lineal meter road.

Sa ulat ni DPWH Region 8 Director Edgar B. Tabacon, kay DPWH Secretary Manuel M. Bonoan, layon ng proyekto na maiwasan ang mga aksidente, mas mapagbuti ang road durability, at makapagbigay ng ligtas na pagbiyahe ng mga produkto.

Sinabi ni Bonoan na mas magiging ligtas na ngayon ang mga residente sa lugar sa epekto ng kalamidad. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *