P3.3M na halaga ng droga nakumpiska ng SPD sa weekly anti-illegal drugs

P3.3M na halaga ng droga nakumpiska ng SPD sa weekly anti-illegal drugs

Iniulat ni Brigadier General Leon Victor Rosete, District Director ng Southern Police District kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director MGen Melencio Nartatez Jr. ang tuluy- tuloy kampanya kontra ilegal na droga sa katimugang bahagi ng Metro Manila na nagresulta ng pagkakumpiska ng kabuuang P3,339,718 na halaga ng umano’y shabu, marijuana at kush nitong Setyembre 9-15

Batay sa report ng SPD, nagkasa ang nasasakupang pulisya ng 61 na operasyon na ikinaaresto ng 87 indibiduwal at narrkober ang 490.79 gramo ng umano’y shabu; 10.80 gramo ng marijuana at .70 gramo ng kush.

“This significant drug seizure highlights the SPD’s steadfast commitment to eliminating illegal drugs from our streets. This effort is part of the Philippine National Police’s ongoing campaign, spearheaded by PGEN ROMMEL F MARBIL, Chief PNP to tackle illegal drug activities,” sabi ni BGen Rosete. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *