Feeding program ng BuCor para sa mag-aaral sa Muntinlupa City umarangkada

Feeding program ng BuCor para sa mag-aaral sa Muntinlupa City umarangkada

Sinimulan na ng Bureau of Corrections ang kanyang feeding program ngayong taon para bigyan ng wastong nutrisyon ang mahigit 105 na mag-aaral sa Itaas Elementary Schools (IES) sa Muntinlupa City.

Ang programa ay may temang “Batang Busog Malusog” na naglalayong tulungan ang mga payatot at bansot na mag-aaral upang buong makarekober mula sa kanilang kasalukuyang sitwasyon.

Batay sa datos mula kay Bb. Rhodora Mandap, IES principal, na mayroong higit 100 na mag-aaral sa kanilang eskwelahan ang pawang kulang sa timbang at nutrisyon (malnourished) ngunit sila ay nasa kategoryang “wasted at severely wasted.”

Aniya ang child wasting ay mababa ang timbang na hindi akma sa kanyang tangkad ayon sa UNICEF na pinakamapanganib na uri ng kulang sa nutrisyon habang ang severe wasting naman ang matinding nakamamatay sa kakulangan ng nutrisyon at isa sa mga pangunahing banta sa child survival sa mga severely wasted children na 12 na beses pang maaaring mamatay kumpara sa mga batang may angkop na nutrisyon sa katawan.

Si CTSupt. Dorothy C. Bernabe Acting Director, Directorate for Reformation, ang naging kinatawan ni Catapang para sa nasabing okasyon.

Sa mensahe nito kay Mandap, inihayag ni Catapang na ang feeding program ay isasagawa tuwing Biyernes para sa buong taon ng panuruan at sinabing ito pa lang ang umpisa ng corporate social responsibility ng BuCor.

Sinabi pa ni Catapang na sisiguruhin sa ganitong programa ay makakasama ang tulong ng volunteer doctors at dietitians upang mamonitor ang progreso ng estudiyante na nasa ilallim ng programa.

“We have to protect vulnerable children since severe cases can lead to death or permanent damage to children’s growth and development, ani Catapang.

“Our national hero, Dr. Jose Rizal once said “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan pero paanong mangyayari yon kung ang ating kabataan ay kulang sa nutrition,” dagdag pa ni Catapang.

Nagkaloob din ang Bucor staff ng vitamins sa mga mag-aaral.

Ang mga pondo ng programa ay galing sa kinita ng 1st BUCOR CUP shoot for a cause na nakalikom ng halos P500,000. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *