Dagdag-sahod sa Central Visayas inaprubahan ng wage board
Magkakaroon ng dagdag sahod ang mga manggagawa sa Central Visayas.
Ito ay makaraang aprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) – Central Visayas ang dagdag na P33 hanggang P43 sa daily minimum wage sa rehiyon.
Batay sa bagong wage order para sa Central Visayas, magiging P510 na ang minimum wage sa Class A cities and municipalities sa rehiyon.
Kabilang dito ang mga sumusunod na lugar:
Carcar City
Cebu City
Danao City
Lapulapu City
Mandaue City
Naga City
Talisay City
Compostela
Consolacion
Cordova
Liloan
Minglanilla
San Fernando
Expanded Metro Cebu
Magiging P463 naman ang minimum wage sa Class B cities kabilang ang mga sumusunod:
Bais
Bayawan
Bogo
Canlaon
Dumaguete
Guihulngan
Tagbilaran
Tanjay
Toledo
Habang magiging P453 ang minimum wage sa iba apng munisipalidad na hindi sakop ng Class A at Class B.
Epektibo ang dagdag-sahod sa rehiyon sa October 2, 2024. (DDC)