Masbate niyanig ng magnitude 4.7 na lindol
Tumama ang magnitude 4.7 na lindol sa lalawigan ng Masbate.
Naitala ng Phivolcs ang epicenter ng lindol sa layong 11 kilometers northeast ng bayan ng Baleno, 11:29 ng umaga ng Lunes, Sept. 16.
May lalim na 11 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang sumusunod na intensities:
Intensity IV
– Masbate City, MASBATE
Intensity II
– Legazpi City at Tabaco City, ALBAY
Intensity I
– Sorsogon City, SORSOGON
Ayon sa Phivolcs posibleng makaranas ng aftershocks bunsod ng pagyanig. (DDC)