Signal Number 1 nakataas sa 19 lugar sa bansa dahil sa bagyong Gener
Bahagya pang lumakas ang tropical depression Gener.
Ayon sa PAGASA, ang bagyong pinangalanang “Gener” ay huling namataan sa layong 325 kilometers Northeast ng Casiguran, Aurora.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 10 kilometers bawat oras sa direksyong west northwest.
Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa sumusunod na mga lugar:
– Cagayan including Babuyan Islands
– Isabela
– Quirino
– Nueva Vizcaya
– Apayao
– Kalinga
– Abra
– Ifugao
– Mountain Province
– Benguet
– Ilocos Norte
– Ilocos Sur
– La Union
– Pangasinan
– Zambales
– Tarlac
– Nueva Ecija
– Aurora
– northern portion of Quezon (General Nakar, Infanta, Real) including Polillo Islands
Sa susunod na 24 na oras ay tatama ang bagyo sa kalupaan ng Isabela o Aurora.
Inaasahang lalabas ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Miyerkules (Sept. 18).
Didiretso ito sa China at tatama sa kalupaan ng Hainan. (DDC)