Catenary wire sa Gilmore Station ng LRT-2 naayos na matapos tamaan ng kidlat
Tinamaan ng kidlat ang catenary wire sa bahagi ng Gilmore Station ng LRT-2.
Ayon sa management ng Light Rail Transit Authority (LRTA), agad isinagawa ang repair work sa tinamaang wire.
Nangyari ang insidente 9:44 ng gabi ng Linggo (Sept. 15) na nakapinsala sa kable na nasa 70 meters ang haba.
Inabot ng hanggang Lunes (Sept. 16) ng madaling araw ang pagsasaayos sa nasirang wire.
Hindi naman ito nagdulot ng delay sa operasyon ng LRT-2. (DDC)