Signal Number 1 nakataas sa 11 lugar sa bansa

Signal Number 1 nakataas sa 11 lugar sa bansa

Naging ganap ng bagyo ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng PAGASA sa bahagi ng lalawigan ng Aurora.

Ayon sa PAGASA, ang bagyong pinangalanang “Gener” ay huling namataan sa layong 315 kilometers Northeast ng Casiguran, Aurora.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 10 kilometers bawat oras sa direksyong west northwest.

Itinaas na ng PAGASA ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa sumusunod na mga lugar:

– eastern and central portions of Mainland Cagayan (Piat, Santo Niño, Camalaniugan, Tuao, Lal-Lo, Enrile, Gonzaga, Alcala, Amulung, Santa Teresita, Baggao, Buguey, Solana, Rizal, Santa Ana, Tuguegarao City, Gattaran, Peñablanca, Iguig, Lasam, Aparri, Ballesteros, Allacapan, Abulug), – Isabela
– Quirino
– eastern portion of Nueva Vizcaya (Alfonso Castaneda, Kasibu, Dupax del Norte, Quezon, Diadi, Bayombong, Ambaguio, Bagabag, Villaverde, Aritao, Bambang, Dupax del Sur, Solano)
– eastern and southern portions of Apayao (Conner, Flora, Pudtol, Santa Marcela, Luna, Kabugao)
– Kalinga
– eastern and central portions of Mountain Province (Paracelis, Sadanga, Bontoc, Natonin, Sabangan, Barlig)
– Ifugao
– Aurora
– eastern portion of Nueva Ecija (Carranglan, Pantabangan, Bongabon, Gabaldon, Laur, General Tinio, Rizal, General Mamerto Natividad, Palayan City)
– northern portion of Mainland Quezon (General Nakar, Infanta, Real) kabilang ang Polillo Islands.

Ayon sa PAGASA, ang Habagat na pinalalakas ng bagyo ay magdudulot din ng malakas na pag-alon sa mga baybayung dagat ng MIMAROPA, Bicol Region, Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, at Davao Region.

Sa susunod na 24 na oras ay tatama ang bagyo sa kalupaan ng Isabela o Aurora.

Inaasahang lalabas ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Miyerkules (Sept. 18).

Didiretso ito sa China at tatama sa kalupaan ng Hainan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *