144 tonelada ng smuggled na carrots at sibuyas nakumpiska ng DA at BOC
Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) at Department of Agriculture (DA) ang 144 tonelada ng undocumented na carrots at sibuyas.
Ang nasabing mga kargamento ay nasa loob ng limang container van na sakay ng barkong SITC Licheng na dumaong sa Port of Subic noong August 15.
Ayon kay DA Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., tinatayang nagkakahalaga ng P21 million ang mga smuggled na produkto na inangkat ng kumpanyang Betron Consumer Goods Trading sa China.
Sasailalim pa sa pagsusuri ang mag produkto para sa pesticide residues, heavy metals, at microbiological contaminants.
Ang anumang imported agricultural product na hindi pumasa sa mga pagsusuri ay sasailalim sa condemnation. (DDC)