Ilocos Norte niyanig ng magnitude 4.2 na lindol
Tumama ang magnitude 4.2 na lindol sa lalawigan ng Ilocos Norte.
Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 100 kilometers southwest ng bayan ng Currimao, 6:06 ng umaga ng Biyernes, Sept. 13.
May lalim na 21 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Hindi naman ito nagdulot ng pinsala at aftershocks. (DDC)