Oil recovery operations sa lumubog na MTKR Terranova sa Bataan, natapos na – PCG
Natapos na ang oil recovery operations sa lumubog na MTKR Terranova sa Limay, Bataan.
Nagsagawa ng inspeksyon ng Philippine Coast Guard (PCG) sa ground zero sa pangunguna ni
Marine Environmental Protection Command (MEPCOM) Commander, Vice Admiral Roy Echeverria.
Ayon sa PCG, sa ulat ng kinontratang salvor na Harbor Star, na-recover ang kabuang 1,415,954 liters ng langis at dagdag na 17,725 kilograms ng solid oily waste.
Ito ay kumakatawan sa 97.43% na recovery rate.
Ang nalalabing 37,867 liters o 2.57% ng total oil cargo ng barko ay nawala na dahil sa iba’t ibang sitwasyon gaya ng biodegradation, dissipation, absorption ng sorbent booms, at iba pa.
Nagsagawa na di ang Harbor Star also ng final stripping operation para matiyak na wala ng laman ang cargo oil tanks (COTs).
Pinaghahandaan naman na ngayon ang isasagawang salvage operation sa lumubog na barko. (DDC)