Dating Palawan Governor Joel Reyes na sangkot sa kasong pagpatay sa broadcast journalist na si Gerry Ortega, sumuko sa mga otoridad
Sumuko na si dating Palawan Governor Joel T. Reyes na sangkot sa kasong pagpatay sa broadcast journalist na si Dr. Gerry Ortega noong 2011 sa Puerto Princesa City.
Boluntaryong isinuko ni Reyes ang sarili sa National Capital Region Office ng National Bureau of Investigation (NBI).
Ang pagsuko ni Reyes ay kinumpirma ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS).
Ayon sa Task Force, malaking tulong ang pagsuko ni Reyes sa pag-usad ng kaso.
Base sa impormasyon mula kay NBI director Jaime Santiago, si Reyes ay nasa isang ospital ngayon sa Metro Manila at binabantayan ng mga ahente ng NBI. (DDC)