Balitang nagbitiw sa puwesto si Defense Sec. Gilbert Teodoro pinabulaanan ng Malakanyang
Itinanggi ng Malakanyang ang mga kumpakalat na impormasyon na nagbitiw sa puwesto si Defense Sec. Gilbert Teodoro.
Sa pahayag ni Presidential Communications Office Secretary Cesar Chavez, sinabi nitong nananatiling buo ang tiawala at kumpiyansa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Teodoro.
Ang mga ipinakakalat aniyang pekeng impormasyon ay magdulot ng “disunity” sa bansa.