Guarantee letter ng DSWD tatanggapin na sa mga piling botika

Guarantee letter ng DSWD tatanggapin na sa mga piling botika

Maaari nang gamitin ang guarantee letters (GL) na ibinibigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang makabili ng gamot sa mga piling botika sa bansa.

Ayon kay DSWD Spokesperson Asst. Secretary Irene Dumlao, sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng ahensyam nakipagtulungan ito sa ilang piling pharmacies para makabili ng gamot ang mahihirap na maysakit gamit ang Guarantee Letter na inisyu ng DSWD.

Ang Guarantee Letter ay isang dokumento na ibinibigay ng ahensya para sa mga benepisyaryo na nangangailangan ng tulong medikal.

Ang GL ay naka-address sa mga service provider ng ahensya at ginagamit bilang garantiya sa serbisyo kabilang na ang gamot na kailangan.

Kabilang naman sa mga botika sa Metro Manila na tumatanggap ng DSWD-issued GL ay ang mga sumusunod:

Globo Asiatico Enterprises, Inc.
Onco Care Pharma Corporation
Urology Med Care, Inc.
Complete Solution Pharmacy and General Merchandise
Haran Pharmaceutical Product Distribution Ltd. Co.
Keminfinity, Inc.
Medinfinity, Inc.
JCS Pharmaceuticals, Inc.
Interpharma Solutions Philippines, Inc.

Kasama din ang mga pharmacy mula sa Drugstores Association of the Philippines (DSAP).

Para naman sa mga indibidwal na dumadaan sa krisis at mula sa ibang rehiyon maaaring makipag-ugnayan sa o magtungo sa DSWD Field Office sa kanilang lugar upang malaman ang kumpletong listahan ng mga botikang tumatanggap ng GL. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *