3 suspek arestado sa P10M “sanla-tira modus” sa Muntinlupa City

3 suspek arestado sa P10M “sanla-tira modus” sa Muntinlupa City

Napasakamay ng mga operatiba ng mga operatiba ng Southern Police District- Special Operations Unit ang tatlong suspek na sangkot umano sa estafa scheme na nagkakahalaga ng ₱10-milyon, sa isinagawang operasyon sa loob ng isang restaurant sa Barangay Poblacion, Muntinlupa City.

Inaresto ang mga suspek na kinilalang sina alyas Alec, 28-anyos; alyas Christina, 48-anyos; at alyas Daniel, 36-anyos, dahil sa mga reklamong natanggap ng DSOU na mga panlolokong aktibidad na may kaugnayan sa sanla (pawning) at tira (mortgage) ng property sa Sucat, Muntinlupa City.

Ayon sa SPD, ini-enganyo umano ng mga suspek ang mga biktima sa pangakong malaking kita gamit ang mga notaryadong kontrata na ipinapakitang legalidad ng kanilang mga transaksiyon.

Sa gitna ng operasyon, narekober ng otoridad ang marked money, tatlong orihinal na kontrata para sa bentahan ng property, resibo na may kabuuang ₱500,000, identification cards, mobile phones, at gray Mitsubishi Expander na nakarehistro kay alyas Christina.

Nakumpiska rin umano ang isang Glock Pistol .9mm na may serial number AFPC307 kay alyas Daniel.

Lumilitaw din sa imbestigasyon na si alyas Alec ay nahatulan na sa kasong BP 22 (Bouncing Check Law) ng Valenzuela MTC Branch 101 kung saan pinagbabayad ang suspek ng multang ₱400,000 at ₱1,000,000 na civil liability.

Dumagsa naman sa DSOU ang mga biktima ng sanla-tira modus upang maghain ng karagdagang reklamo ng large-scale o syndicated estafa laban sa mga naarestong suspek. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *