Provisionary service ipinatupad sa LRT-2 dahil sa problema sa power supply
Nakaranas ng aberya sa biyahe ng LRT-2 araw ng Miyerkule, Sept. 11.
Tumagal ng nasa limang oras ang naranasang aberya kung saan kinailangang magpatupad ng provisionary service ang LRT-2 dahil sa naranasang power supply problem.
Ayon sa unang abiso ng Light Rail Transit Authority (LRTA) pasado alas 7:00 ng umaga, ang biyahe ng tren ay mula Antipolo hanggang V. Mapa station lamang at pabalik
Alas 12:35 ng tanghali nang maibalik sa normal ang operasyon ng LRT-2. (DDC)