DSWD, nagpadala ng tulong sa mga nasunugan sa Bacoor, Cavite

DSWD, nagpadala ng tulong sa mga nasunugan sa Bacoor, Cavite

Ipinag-utos ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary REX Gatchalian sa DSWD Field Office Region IV-A ang agarang pagpapadala ng tulong sa local government unit (LGU) ng Bacoor City, Cavite.

Ito ay matapos na matupok ng apoy ang mga kabahayan sa Longos, Barangay Zapote 3 noong Martes (September 10).

Sa pinakahuling report na tinanggap ni Gatchalian, may nakaantabay na 14,000 family food packs (FFPs) at ito ay pawang naka-preposition sa Bacoor City.

Naglaan din ang DSWD ng mga modular tents na naibigay na sa Bacoor City LGU.

Sa report mula sa FO-CALABARZON, halos 479 pamilya o 1,640 indibidwal ang naapektuhan ng sunog at kasalukuyang nasa 16 evacuation centers sa Bacoor City. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *