Halos kalahati ng populasyon ng east Timor dumalo sa misa na pinangunahan ni Pope Francis
Tinatayang umabot sa 600,000 na katao ang dumalo sa misang pinangunahan ni Pope Francis sa East Timor.
Ang nasabing bilang ay halos kalahati na ng 1.3 million na populasyon ng East Timor.
Idinaos ang misa sa seaside park, araw ng Martes kung saan idinaos din noon ang misa ni St. John Paul II 35-taon na ang nakararaan.
Napuno ng kulay dilaw at puting payong ang Tasitolu Park na sumisimbolo sa kulay ng Holy See flag.
Sa sobrang init sa lugar, nagtalaga ng mga water trucks na maya’t maya ay nag-i-spray ng tubig para mabawasan ang alinsangan.
Sa kaniyang pahayag, sinabi ng Santo Papa na hiling niya ang kapayapaan sa naturang bansa at ang kaligayahan lalo na ng mga kabataan. (DDC)