Mahigit P31.93B na pondo para sa dagdag-sahod ng mga kawani ng gobyerno
Nalalapit nang mataganggap ng mga empleyado ng gobyerno ang kanilang dagdag sahod sa ilalim ng Salary Standardization Law VI na inaprubahan ni Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.
Ito ay makaraang ilabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang P31.93 bilyon na halaga ng pondo para sa 257 na departamento at ahensya.
Habang ipinoporseso pa ang pondo para sa 58 mga departamento.
Kasabay nito ay hinikayat ni DBM Secretary Amenah “Mina” Pangandaman ang lahat ng pinuno ng mga departamento at ahensya na agad ipamahagi sa mga empleyado ang salary differential na retroactive simula Enero ngayong taon.
Ayon sa pinakabagong datos ng DBM, ang pondo para sa salary adjustment ay nailabas na sa mga sumusunod na departamento/ahensya:
Congress of the Philippines
Office of the President
Office of the Vice President
Department of Agriculture
Department of Budget and Management
State Universities and Colleges
Department of Education
Department of Energy
Department of Environment and Natural Resources
Department of Foreign Affairs
Department of Health
Department of Information and Technology
Department of Interior and Local Government
Department of Justice
Department of Labor and Employment
Department of Migrant Workers
Department of National Defense
Department of Public Works and Highways
Department of Science and Technology
Department of Social Welfare and Development
Department of Trade and Industry
National Economic Development Authority
Other Executive Offices (OEOs)
Civil Service Commission
Commission on Audit
Commission on Human Rights
Metropolitan Manila Development Authority
Samantala inilunsad din ng DBM ang Salary Standardization Law VI (SSL VI) dashboard kung saan makikita ang real-time data ng mga ahensya at departamento na nakatanggap na ng budget para sa dagdag sahod. (DDC)