Malaysian kidnapped victim nailigtas; 3 Chinse nationals arestado sa Parañaque City

Malaysian kidnapped victim nailigtas; 3 Chinse nationals arestado sa Parañaque City

Isang Malaysian national na umano’y kinidnap ang narescue ng mga tauhan ng Parañaque City Police at naaresto ang tatlong Chinese nationals na idinadawit sa pagdukot nitong Setyembre 6 sa Macapagal Boulevard, Barangay Tambo sa nasabing lungsod.

Ang naarestong mga suspek ay kinilalang sina Xue, 34-anyos; Guanghong, 27-anyos; at Yefu, 24-anyos, pawang mga lalaking Chinese nationals.

Nag-ugat anv operasyon matapos ang report na inihain ng 25-anyos na Malaysian national na si Boon nitong Setyembre 8 kung saan ipinabatid nito sa otoridad na ang kanyang kaibigan na si Thing, 42-anyos,isang lalaking Malaysian national,na kinidnap ng mga suspek at umano’y nagdemand ng ransom sa pamamagitan ng Telegram messages at nagpadala ng nakakabahalang mga litrato ng biktima na ikinulong at tinorture.

Ibinunyag ni Boon na nagpadala siya ng $85,000 USD bilang ransom sa pamamagitan ng Telegram. Subalit nang matanggap ang pera,nagdemand muli ang mga suspek ng karagdagang $50,000 sa halip na palayain ang biktima.Dahil dito nagsumbong na si Boon sa otoridad sa Parañaque.

Mabilis na inaksyunan ng Parañaque City Police Detective Unit sa pakikipagtulungan ng SWAT team na agad nagsagawa ng entrapment operation na nagresulta ng pagkaaresto ng mga suspek at ligtas na pagkasagip sa biktima ngayong Setyembre 9.

Narekober ang ilang ebidensiya kabilang ilang baril, mga bala,itak, pocket knife, bungkos ng boodle money, mga cellular phones, at silver Mitsubishi Adventure.

Ayon kay Southern Police District (SPD) District Director BGen Leon Victor Rosete na ang mga suspek ay nahaharap sa kasong kidnapping, Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act), at Batas Pambansa Blg. 6 (Illegal Possession of Bladed Weapons). (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *