Mga kaso sa Pilipinas kailangan munang kaharapin ni Quiboloy bago siya ipadala sa US
Kailangan munang harapin ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy ang kaniyang mga kaso dito sa Pilipinas bago ang kaniyang mga kaso sa Estados Unidos.
Si Quiboloy ay nahaharap sa mga kasong child abuse at human trafficking.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., wala pa sa usapin ngayon ang extradition kay Quiboloy patungong US.
Ang prayoridad aniya ay ang maharap niya muna ang mga kaso niya dito sa bansa.
Sinabi ng pangulo na sa ngayon ay wala pa din namang extradition request ang US para kay Quiboloy.
Si Quiboloy ay nahaharap sa patung-patong na mga kaso sa US kabilang ang Conspiracy to Engage in Sex Trafficking by Force, Fraud and Coercion, and Sex Trafficking of Children; at iba pa. (DDC)