Presyo ng produktong petrolyo may mahigit pisong pagbaba ngayong linggo
Mayroong mahigit pisong pagbaba sa presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo.
Sa abiso ng mga kumpanya ng langis bababa ng P1.55 ang presyo ng kada litro ng gasolina.
Mababawasan din ng P1.30 ang presyo ng kada litro ng diesel.
Habang may bawas na P1.40 ang presyo ng kada litro ng kerosene.
Epektibo ang bawas-presyo Martes (Sept. 10) ng umaga. (DDC)