Mahigit 2,000 Pinoy, nag-avail ng amnesty program sa UAE

Mahigit 2,000 Pinoy, nag-avail ng amnesty program sa UAE

Mahigit 2,000 Pinoy ang nag-avail ng amnesty program ng pamahalaan ng United Arab Emirates (UAE) sa unang linggo ng pagpapatupad nito.

Ayon sa pahayag ng Philippine Consualte General office sa Dubai, kabuuang 2,053 na Pinoy ang nais makinabang sa programa ng UAE government na nag-aalis ng multa sa mga overstaying at absconding.

Sa ilalim ng programa, ang mga Pinoy ay mapapayagang magpatuloy sa kanilang pagtatrabaho sa UAE o ‘di kaya ay bumalik sa Pilipinas ng walang parusa.

Sinabi sa pahayag na mayroon na ding mga nag-apply ng travel document para makakuha ng exit pass at humingi ng tulong sa repatriation.

May mga humingi din ng tulong para makuhanan ng dokumento ang mga anak nilang menor de edad upang maiproseso ang immigration status ng mga ito. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *