Misamis Oriental niyanig ng magnitude 4.7 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.7 na lindol ang lalawigan ng Misamis Oriental.
Naitala ng Phivolcs ang epicenter ng pagyanig sa layong 4 kilometers northeast ng bayan ng Magsaysay, 6:06 ng gabi ng Linggo, Sept. 8.
May lalim na 10 kilometer ang lindol at tectonic ang origin.
Wala namang naitalang intensities bunsod ng nasabing pagyanig. (DDC)