Sarangani niyanig ng magnitude 5.0 na lindol
Tumama ang magnitude 5.0 na lindol sa lalawigan ng Sarangani.
Naitala ng Phivolcs ang epicenter ng lindol sa layong 3 kilometers southwest ng Glan, 3:39 ng hapon ng Biyernes, Sept. 6.
May lalim na 22 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang sumusunod na Intensities:
Intensity II
– General Santos City at Kiamba, Sarangani
Instrumental Intensities:
Intensity III
– Kiamba, SARANGANI
Intensity II
– Maitum, at Malungon, Sarangani
– General Santos City
– Tupi, South Cotabato
Intensity I
– Magsaysay, Davao del Sur
– Maasim at Glan, Sarangani
– Tampakan, Koronadal City, at Lake Sebu, South Cotabato (DDC)