Pagkakasa ng impounding projects nakikitang solusyon ni Pangulong Marcos para maiwasan ang mabilis na pagbaha sa lalawigan ng Rizal at sa Metro Manila
Ang pagkakaroon ng impounding projects ang nakikitang long-term solution ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mabilis na pagbaha sa Metro Manila at sa lalawigan ng Rizal.
Sa kaniyang pakikipagpulong sa mga local government unit (LGUs) sa lalawigan ng Rizal, gamit ang impounding system sa matataas na bahagi, maaaring harangin ang pagbaba ng tubig kapag nakararanas ng sobrang malakas na pag-ulan.
Ang maiipon namang tubig ay maaaring magamit para sa irigasyon, household use, at undustrial use.
Pinangunahan ni Pangulong Marcos ang situation briefing sa naging epekto ng bagyong Enteng at Habagat sa lalawigan ng Rizal na idinaos sa Ynares Events Center sa Antipolo City.
Sa datos ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng Rizal, nakapagtala ng 12 nasawi sa lalawigan, 3 ang nawawala at 5 ang sugatan.
Mayroong 5,668 na katao o 1,670 na pamilya ang nananatili pa sa evacuation centers sa lalawigan. (DDC)