Water level ng La Mesa Dam bumaba na 79.95 meters
Bumaba na ang water level sa La Mesa Dam.
Sa inilabas na Hydrological Situationer ng PAGASA alas 8:00 ng umaga ngayong Biyernes, Sept. 6 ay nasa 79.95 meters ang water level ng dam.
Inaasahan ding bababa pa ang antas ng tubig ng dam sa susunod na mga oras.
Patuloy namang pinag-iingat ng PAGASA ang mga residente na naninirahan malapit sa Tullahan River lalo na kung makararanas ng malakas na pag-ulan dulot ng thunderstorm. (DDC)