Batanes niyanig ng magnitude 4.4 na lindol
Tumama ang magnitude 4.4 na lindol sa lalawigan ng Batanes.
Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 14 kilometers southeast ng Uyugan, 5:28 ng umaga ng Biyernes, Sept. 6.
May lali na 5 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang Intensity II sa Basco, Batanes.
Hindi naman inaasahang magdudulot ito ng aftershocks. (DDC)