P350K na halaga ng cannabis-infused Vape, nakumpiska ng BOC

P350K na halaga ng cannabis-infused Vape, nakumpiska ng BOC

Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang isang kargamento galing United States na naglalaman ng P350,000 na halaga ng cannabis-infused vapes sa Port of Clark.

Dumating ang kargamento sa Clark noong August 26, 2024 na idineklarang naglalaman ng “Home Decor Lift Top End Table with Charging Station and Wheels, Sofa Side Table with USB Port + AC Outlets, at Movable Bedside Nightstand.”

Gayunman, nang isailalim ito sa X-ray Inspection Project scanner nakitang may kahina-hinalang laman ang kargamento.

Dahil dito isinailalim ang kargamento sa 100% physical examination at doon nakita ang 200 piraso ng cannabis-infused disposable vapes.

Ginamitan ng Rigaku Spectrometer Reader ng Customs ang kargamento at doon nakumpirma ang presensya ng cannabinoids.

Agad nagpalabas ng Warrant of Seizure and Detention ang BOC sa nasabing kargamento dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), in relation to R.A. No. 9165. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *