Buntot ni Super Typhoon Yagi nakakaapekto pa rin sa Northern Luzon
Ang trough ng Super Typhoon Yagi na dating si Bagyong Enteng at ang Habagat ang patuloy na makakaapekto at magpapaulan sa Luzon.
Ayon sa PAGASA, dahil sa Habagat, makararanas ng occasional rains sa Pangasinan, Zambales at Bataan.
Ang buntot naman ng Super Typhoon Yagi ay magdudulot ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa Batanes at Babuyan Islands.
Habang makararanas din ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa Metro Manila, Cordillera Administrative Region, CALABARZON, MIMAROPA, at sa nalalabing bahagi ng Ilocos Region at Central Luzon dahil sa Habagat.
Habagat din ang magdudulot ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may isolated na pag-ulan sa Bicol Region at sa nalalabing bahagi ng Cagayan Valley. (DDC)